AYUDA | 7,000 smuggled rice, ipapamahagi sa mga nasalanta ng bagyo

Inilabas na ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 7,000 sako ng smuggled rice bilang ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña – ipinag-utos na niya ang agad na paglalabas ng mga nasabat na bigas bilang donasyon sa mga naapektuhan ng kalamidad sa hilagang Luzon at iba pang lugar sa bansa.

Sa ilalim ng deed of donation na nilagdaan ni Lapeña, 14 na twenty-footer containers na naglalaman ng bigas ang ibinigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa distribution.


Facebook Comments