AYUDA | Cash-for-Work Program, dapat ipatupad ng pamahalaan para sa mga maaapektuhang mangagawa sa Boracay

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Win Gatchalian sa pamahalaan na magpatupad ng Cash-For-Work Program para sa halos 36,000 mga manggagawa sa Boracay.

Kasunod ito ng nakatakdang pagsasara ng boracay sa loob ng anim na buwan.

Paliwanag ni Gatchalian, sa nabanggit na programa ay kikita at makakatulong pa ang mga mangangawa ng Boracay sa rehabilitasyon na gagawin sa isla.


Ilan aniya sa mga ito ay maaring tumulong sa konstruksyon habang yung iba ay pwedeng maging bahagi pa rin ng mga maliit na negosyo tulad ng mga kainan na kakailanganin pa rin ng mga kasama sa rehabilitasyon.

Giit ni Gatchalian, kailangang maglatag ng hakbang ang gobyerno para sa kapakanan ng libu-libong manggagawa sa Boracay na mawawalan ng trabaho sa loob ng ilang buwan na sarado ang isla.

Facebook Comments