AYUDA | CBCP, umapela ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Vinta

Manila, Philippines – Naglunsad ang National Secretariat for Social Action at Caritas Philippines, Humanitarian, Development and Advocacy Arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ng isang rapid response appeal, bilang tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Vinta.

Sabi ni Fr. Edwin Gariguez, nassa/Caritas Philippines’ Executive Secretary – layon ng P5.8 million appeal na tulungan ang 3,000 pamilya o 15,000 indibidwal na naapektuhan ng bagyo.

Ipambibili ang mga maiipong pera ng mga food pack, hygiene kits at iba pa para sa mga residente ng Misamis Oriental, Lanao Del Norte, Lanao Del Sur, Compostela Valley at Davao Del Norte.


Sa mga nais magbahagi ng tulong maaaring ideposit ang anumang tulong pinansyal sa Nassa/Caritas Philippines’ Alay Kapwa Account:

Name of bank: Bank of the Philippine Islands

Account holder: CBCP Caritas Filipinas Foundation Inc.

Account no: ‎‎4951-0071-08

Facebook Comments