AYUDA | DFA nagkaloob ng tulong sa 30 Pinoy na-stranded sa Jizan, Saudi

Magpapadala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng tulong pinansyal sa 30 Filipino workers na-stranded sa Jizan, Saudi Arabia.

Ayon sa DFA naaprubahan na ang pagpapalabas ng emergency cash assistance na hiniling ng Philippine Consulate General sa Jeddah para umayuda sa mga distressed workers.

Sinabi naman ni Consul General Edgar Badajos na inaprubahan ang nasabing pondo makaraang mapag-alaman ni Welfare Officer James Mendiola ang kundisyon ng ating mga kababayan.


Paliwanag ni Badajos na ang 30 Filipino workers ay talagang naka-deploy bilang mga land-based workers mula sa ibat-ibang kumpanya pero dahil hindi sila nabibigyan ng sweldo ng kanilang mga employers kung kaya at sila ay napilitang pumalaot at mangisda na lamang.

Ang emergency cash assistance ay ipagkakaloob sa mga ito matapos mapag-alaman ng konsulada na wala nang pera at makain ang 30 nating mga kababayan.

Facebook Comments