AYUDA | DFA nagpaabot ng tulong sa 21 seafarers na na-stranded sa India

Inatasan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Embahada sa New Delhi sa India upang tulungan ang 21 Filipino seafarers na una nang napabalitang na-stranded sa pantalan ng southeastern India.

Ito ay makaraang abandonahin ang mga Pinoy na tripulante ng kanilang employer higit 3 buwan na ang nakararaan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, inatasan nya ang Embahada na agad magpadala ng Consular officers sa Kakinada Port, kung saan andoon ang mga tripulante.


Ang mga ito ay iniwan at stranded sa loob ng MV Evangelia M, isang Liberian-flagged bulk carrier matapos itong iwan ng mga may-aring Greek nitong Hunyo.

Nais ng mga tripulanteng Pinoy na matulungan sila ng DFA para sa pagpapauwi sa kanila sa bansa at para maibigay ang ilang buwan nilang sweldo.

Kasunod nito inatasan na ni Cayetano ang DFA Office of Migrant Workers Affairs katuwang ang POEA upang maipagkaloob ang mga karampatang tulong sa ating mga kababayan.

Facebook Comments