AYUDA | Disaster relief teams ng OVP, nakaantabay na

Handa nang magbigay ng ayuda ang disaster relief teams ng Office of the Vice President (OVP) sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong sa Northern Luzon.

Sa programang ‘Biserbisyong Leni’ sa DZXL RMN Manila, sinabi ni Vice President Leni Robredo, tutulong ang kanilang team sa mga lokal na pamahalaan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng tinamaan ng bagyo.

Nakipag-coordinate din ang OVP sa opisina ni Cagayan Governor Manuel Mamba hinggil sa relief supplies na kailangang ipadala sa mga typhoon-hit areas.


Nabatid na ang Cagayan at Isabela ang lubos na napuruhan ng bagyo.

Facebook Comments