AYUDA | DOH, naglabas ng bagong utos para sa mga pamilyang namatayan dahil sa Dengvaxia vaccine program

Manila, Philippines – Naglabas ng bagong kautusan ang Department of Health (DOH) kung saan makatatanggap na ng P50,000 ang bawat pamilya ng namatay na nabakunahan ng Dengvaxia.

Ang pondo ay manggagaling naman sa Office of the President.

Batay sa guidelines, para lamang ito sa lahat ng nabakunahan sa ilalim ng school at community-based immunization program.


Kailangan lamang dalhin ang original copies ng birth at death certicate, Dengvaxia card at medical records para maka-avail nito.

Facebook Comments