AYUDA | DOH, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan noong Biyernes sa Sta. Cruz, Maynila

Manila, Philippines – Namahagi ng mga gamot, hygiene kits, blankets, at grocery items ang Department of Health (DOH) sa mga naging biktima ng sunog noong Biyernes sa Oroqueta Street Corner D. Jose, Sta Cruz, Maynila.

Dalawang medical team mula sa Tondo Medical Center at Fabella Hospital ang idineploy ng DOH sa lugar upang tumulong sa pag a-assess sa kalagayan ng mga naapektuhang pamilya.

Sa kasalukuyan, sumasailalim din sa mental health at psychological support ang ilang mga naging biktima ng naganap na sunog.


Matatandaang noong Biyernes, sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Oroqueta Street Kanto ng D. Jose, Sta. Cruz, Maynila, kung saan nasa 200 bahay ang natupok at higit 500 pamilya ang naapektuhan.

Facebook Comments