Aklan – Mahigit limang milyong piso ang nailabas na pondo ng Department of Labor And Employment (DOLE) bilang tulong sa mga manggagawa sa Boracay na apektado ng pansamantalang pagsasara sa isla.
Ayon sa DOLE, kabuuang P5.6 million ang nailabas na ng DOLE bilang kabayaran sa sweldo ng 1,420 manggagawa sa Boracay.
Ang mga benepisyaryo ay mga manggagawa mula sa informal sector at mga katutubo na apektado ng pagsasara ng isla.
Pinangunahan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang pagbibigay ng sahod sa mga manggagawa sa ilalim ng tupad program na unang batch pa lamang ng mga benepisyaryo ng emergency employment.
Limampu’t pitong mga myembro ng Ati tribe ang tumanggap ng P4,852.50 bawat isa.
Facebook Comments