Aklan – Sinimulan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapalabas ng tulong sa mga nawalan ng trabaho sa Boracay Island dulot ng isinasagawang rehabilitasyon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, 10 libong na nasa ilalim ng Boracay Emergency Employment Program o (BEEP) – Adjustment Measures Program o (AMP) ang nabigyan na ng cash card at financial assistance sa ikatlong batch ng workers beneficiaries sa TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers.
Paliwanag ni Bello, 636 Workers-Beneficiaries ang tumanggap ng sahod sa ilalim ng TUPAD Program habang ang 500 BEEP-AMP ang binigyan ng cash cards.
Naglaan din ng P9,700 bawat benipisyaryo sa Informal Sector para sa 30-araw na Community Work.
Napag-alaman ng kalihim na mayroong 20,000 apektadong manggagawa sa Boracay na apektado ng rehabilitasyon at tuluy-tuloy ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga apektadong manggagawa.