Sumulat na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Budget and Management (DBM) para humingi ng P1.7 billion dagdag na pondo.
Ayon kay DSWD Undersecretary Hope Hervilla, gagamitin ang nasabing pondo para makabili ng 1.5 milyong food packs.
Aniya, ang ibang food packs ay ibibigay sa mga naapektuhan ng bagyong Ompong habang nag matitira ay i-i-imbak sa kanilang mga warehouse.
Sabi pa ni Hervilla, naglabas na ang ahensya ng P2 milyong pondo para ipambili ng mga relief goods, hygiene kit at iba pang kagamitan ng mga evacuees.
Sa ngayon ay mahigit 140,000 pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers at higit 77,000 sa labas ng temporary shelters.
Facebook Comments