Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may pondo pa ito para tulungan ang mga residente sa Boracay Island.
Ayon kay DSWD Acting Secretary Emmanuel Leyco, maingat ang pamamaraan ng pagpapalabas ng pondo upang matiyak na nakakarating ito sa mga tamang benepisyaryo.
Ginagawa ito sa pamamagitan ng mga alok na programa na makakatulong sa apektadong pamilya at indibidwal habang sumasailalim sa 6 na buwang rehabilitasyon ang isla ng Boracay.
Hindi rin aniya nawawala ang ugnayan ng DSWD at Department of Labor and Employment (DOLE) upang mabigyan ng livelihood opportunities ang mga affected individuals .
Sa ngayon, prayuridad ng ahensiya na mabigyan ng agarang tulong ang mga nawalan ng kabuhayan, magpatupad ng social case management at community based development programs, at pangasiwaan ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaan.