Manila, Philippines – Aabot na sa mahigit limang mula sa kabuuang 10 million beneficiaries ang nakatanggap na ng kanilang P2,400 unconditional cash transfer grants para ngayong taong 2018 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD OIC Secretary Virginia Orogo, mula Hulyo 25, nasa total na P13 billion 477 milyon 994 thousand at 400 pesos na ang pondong nailabas na ng ahensiya para sa programa.
Aniya, natapos na ng departamento ang 56.52 percent na target, at planong tapusin ang pagbibigay ng cash grants sa nalalabing 4 million 348 thousand at 417 beneficiaries sa buwan ng Setyembre.
Ang unconditional cash transfer ay isang tax subsidy program sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law na nagbibigay ng cash subsidies sa 10 million mahihirap na pamilya upang makaagapay sa epekto ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Paglilinaw ng kalihim, ito ay karagdagang tulong lamang sa kanila at hindi lahat ng kanilang pangangailangan ay ibibigay ng pamahalaan.
Base sa pag aaral, ang impact ng excise tax adjustment ay minimal lamang kumpara sa epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa global market.