Manila, Philippines – Naglaan ang Department of Social Welfare and Development o DSWD nang mahigit isang milyong pisong standby funds at stockpiles para ipamigay sa mga pamilyang lubhang maapektuhan ng bagyong Domeng.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC mahigit 207 thousand pesos ay standby funds ngayon ng DSWD Central Office at Field Offices habang mahigit 165 thousand pesos ay inilaan sa quick response Fund ng DSWD Central Office.
Aabot naman sa mahigit 169,000 pesos ang kanilang inilaan para sa 485,636 family food packs at halagang mahigit 778 thousand pesos ang para sa food at non food items.
Nagpapatuloy naman pagtututok ng disaster response operations monitoring and Information center ng DSWD sa mga DSWD field offices na mangangailan ng supply o anumang tulong para ipamahagi sa mga pamilyang lubhang maapektuhan ng bagyong Domeng.