AYUDA | DSWD, nakapamahagi na ng halos P60-M ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng pagsasara ng Boracay

Aklan – Umabot na sa 57.7 milyong pisong halaga ng ayuda ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga residenteng naapektuhan ng pagsasara ng isla ng Boracay.

Sa tala ng DSWD, mahigit 3,800 pamilya ang nabigyan ng tulong gaya ng micro-enterprise assistance ay employment support.

Mahigit 9,000 pamilya na rin ang duman sa assessment sa pagbibigay ng grant sa ilalim ng sustainable livelihood program.


Habang ang higit sa 1,500 ang sumailalim sa unang batch ng cash for work program.

Samantala, humingi na ng karagdagang 90 milyong piso na budget ang DSWD sa Department of Budget and Management (DBM) para sa ikalawang bahagi ng pagpapatupad ng pangkabuhayan sa Boracay.

Facebook Comments