AYUDA | DSWD, tuloy ang payout ng transportation assistance sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng Boracay Island closure

Manila, Philippines – Tuloy ang payout ng transportation assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya at indibidwal na paalis ng Boracay Island dahil sa ipinatupad na 6 na buwang closure.

Nilinaw ni DSWD Field office 6 Regional Director Rebecca Geamala na may sapat na pondo ang ahensiya kaya tuloy-tuloy ang tulong na ibinibigay sa mga residente.

Paliwanag pa ni Geamala, ang non-payment ng transportation assistance noong Sabado at Lunes ay bunga lang ng delay sa encashment ng mga tseke.


Base sa datos ng DSWD, abot na sa 7.1 milyong pisong transportation assistance ang naibigay na sa mahigit 3 libong displaced workers at residente na nagdesisyong umalis sa isla.

Kaugnay nito, nagsumite na ang DSWD Region 6 ng request sa Central Office para sa karagdagang 524-milyong pisong pondo para sa implementasyon naman ng cash-for-work, sustainable livelihood program, at iba pang serbisyo ng DSWD sa Boracay.

Facebook Comments