AYUDA | Estados Unidos, magbibigay ng 300 milyong piso para sa Marawi Rehabilitation

Marawi – Magbibigay ang United States Agency For International Development (USAID) ng pinansyal na ayuda para sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Marawi City.

Ayon kay Michael Klecheski, Deputy Chief of Mission ng U.S. embassy sa Pilipinas – umaabot na sa kabuuang 5.5 million dollars o 300 million pesos ang idadagdag ng Estados Unidos mula sa nauna nilang ibinigay na tulong.

Nakalaan aniya ang pondo para sa mga apektadong residente.


Sumatutal, nasa P1.7 billion ang assistance ang inihandog ng USAID sa Marawi rehabilitation.

Facebook Comments