Ikinagagalak ng ating pamahalaan ang panibagong P296.2 million pledge ng Amerika para sa mga naapektuhan ng Marawi siege.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nasa New York ngayon, sumatutal aabot na sa P1.5 billion ang donasyon ng Estados Unidos sa bansa na layuning makatulong sa Marawi recovery and rehabilitation.
Sinabi ni Cayetano, sa nabanggit na halaga o yung P136.1 million ay ilalaan sa mga pangangailangan ng mga bakwit partikular na ang mga kababaihan at kabataan
Habang ang nalalabing P160.1 million ay para sa training and recovery grants at upang bigyan ng water and sanitation ang higit sa 10,000 displaced Maranao.
Ipapamahagi ang nasabing tulong sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID).