Manila, Philippines – Sisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) na ipamahagi ang fuel voucher sa mga lihitimong jeepney drivers sa katapusan ng Hunyo.
Ayon kay Transportation Undersecretary Tim Orbos, ito ay bilang ayuda sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law sa mga mahihirap na Pilipino.
Aniya, nagkakahalaga ang bawat fuel vocher ng P2,000 na ibibigay kada buwan sa mga jeepney driver na may prangkisa.
Sabi naman ni Orbos, na patuloy nilang beniberipika ang mga driver na bibigyan nito dahil tinatapos pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtukoy sa mga lehitimong benipisaryo.
Facebook Comments