Ayon kay Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera, bilyun-bilyong piso ang pondo para sa pagbibigay ng tulong pinansyal na nakapaloob sa 2023 national budget.
Diin ni Herrera, malaki ang maitutulong ng naturang ayuda funds para mapagaan ang epekto ng mataas na inflation rate lalo na sa mga mahihirap nating kababayan.
Sinabi ito ni Herrera makaraang umakyat sa 8.1 percent ang inflation rate o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Kumbinsido si Herrera na malaking bagay ito para sa pag-usad ng ekonomiya dahil sa tantya ng Bangko Sentra ng Pilipinas o BSP ay mananatiling mataas ang inflation sa kabuuan ng taong 2023.
Bunsod nito ay mapipilay ang pruchasing power o kakayang mamili ng mamamayan lalo na ang mga nasa middle income at mga maralitang pamilyang pilipino pati na rin ang mga maliliit na negosyante.
Kaya naman, apela ni Herrera sa mga kinauukulang ahensya, gamitin na ang kanilang ayuda funds bago ba ang ipatupad ang election spending ban kaugnay sa Barangay and SK Elections na nakatakda sa buwan ng Oktubre ngayong taon.