Marikina City – Nagpapamahagi na rin ng gamot kontra leptospirosis sa mga evacuees sa Marikina City.
Ito ay bilang precautionary measure nang sa gayon ay makaiwas sa pagkakaroon ng leptospirosis ang mga binahang residente.
Sa Bulelak Covered Court at ibang evacuation center sa Marikina ay sapat ang suplay ng doxycycline at maaari ding magpakunsulta mula sa mga naka standby ng doctor mula sa city health office.
Sapat din ang suplay ng gamot para sa ubo at lagnat na kadalasang iniinda ng mga evacuees.
Sa ngayon nasa 4,725 families o 20,969 individuals ang nananatili sa ibat-ibang mga evacuation center sa Marikina City.
Ang antas naman ng tubig sa ilog ng Marikina ay nasa 2nd alarm o 16.2meters hanggang sa mga oras na ito.
Facebook Comments