Manila, Philippines – Aabot sa halos P34 milyon o 570,000 euros ang ibinigay na pledge ng European Union (EU) para sa mga nabiktima ng Bagyong Vinta.
Ayon kay eu Commissioner for Humanitarian Aid and Crisis Management Christos Stylianides, gagamitin ang naturang pondo para sa relief efforts at mabigyan ng pangunahing pangangailangan ang mga pamilyang naapektuhan ng naturang bagyo.
Kabilang sa paglalanaan ng pondo mula sa EU ang emergency shelter, mga pangunahing gamit sa loob ng bahay, malinis na tubig, at hygiene kits.
Kasabay nito, nagpaabot si Stylianides sa pamilya ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Vinta.
Facebook Comments