Manila, Philippines – Pinababago ng house appropriations committee ang panukalang higit P1.5 bilyon supplemental budget na ayuda sa mga naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Representative Karlo Nograles, chairman ng house committee on appropriation, mas malaki pa ang hinihingi ng DOJ kaysa sa P1.1 halang isinauli ng Sanofi Pasteur.
Aniya, napakaliit rin ng nakalagang pondo para sa aktwal na nagkasakit at pagtunton sa mga nabakunahan ng Dengvaxia kumpara sa pamimigay ng medical kits at out-patient care gaya ng laboratory test.
Kabilang sa nais pondohan ng DOH ay ang medical assistance program for Dengvaxia patients – P84 million, outpatient care package -P776.250 million, deployment of nurse, health education and promotion officers -P67.807, proposed active case finding o profiling -P300 million at medical kits na may P270 million fund.
Pero pag-alma ng samahan ng magulang na may mga anak na naturukan ng Dengvaxia, hindi nila kailangan ng medical kit kundi tulong para sa pagpapa-ospital ng kanilang mga anak na nagkakasakit matapos mabakunahan ng Dengvaxia.
Nabatid na ang laman ng medical kit ay isang bag, thermometer, 1 mosquito repellant, at 2 bote ng multivitamins.