AYUDA | Kongresista, umapela ng tulong para sa mga lokal na mangingisda sa bansa

Manila, Philippines – Umapela si Magdalo Rep. Gary Alejano sa pamahalaan na bigyan ng mga bangkang pangisda ang mga local fisherfolks sa bansa.

Giit ni Alejano, apektado ang kabuhayan ng mga mangingisda dahil sa limitadong kagamitan na ibinibigay sa kanila ng gobyerno habang ang mga Chinese vessels ay namamayagpag sa pangingisda sa malalayong parte ng karagatan na sakop ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Hiniling ng kongresista na bigyan naman ng gobyerno ng akma at matibay na fishing vessel ang mga mangingisda upang makalaot kahit sa malayong bahagi ng karagatan.


Sa halip na mga Pilipino, dayuhan umano ang nakikinabang sa yamang-dagat ng Pilipinas na iligal na nangingisda sa ating teritoryo.

Marami aniyang reklamo ang nakarating sa kanyang tanggapan partikular sa Zambales kung saan ang ipinamahaging mga bangka sa mga mangingisda ay hindi matibay.

Makakatulong aniya na malaki sa bansa kung susuportahan ng gobyerno ang mga mangingisda dahil kung mas maraming Pilipinong mangingisda ang makikita sa ating teritoryo, ay maaari itong magsilbing force multiplier laban sa China.

Facebook Comments