Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Land Bank of the philippines na lumikha ng pondo para sa libu-libong magsasaka na benepisyaryo ng Land Reform Program ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo – dapat maibigay ito sa kanila sa lalong madaling panahon para pambili ng pampataba sa lupa at iba pang kinakailangan para sa kanilang pagsasaka.
Huwag na aniya hintayin ng Land Bank na lumapit pa sa kanilang tanggapan ang mga magsasaka subalit sila ang tumungo sa mga ito para tugunan ang kanilang pangangailangan.
Paliwanag pa ng Pangulo – pinakamahina sa ekonomiya ng Pilipinas ang sektor ng agrikultura kaya nararapat lamang itong palakasin.
Nais din ng Pangulo na mabigyan ang mga magsasaka ng sarili nilang tractor para mapadali ang kanilang produksyon.