Manila, Philippines – Humingi na ng tulong sa United Nations ang lokal na pamahalaan ng Albay dahil sa siksikang evacuation centers.
Sumulat na si Albay Public Safety and Emergency Management Office Head Cedric Daep, kay hideko myagawa ang chief ng education section ng UNICEF Philippines para makapagbigay ng tent.
Nakasaad sa sulat ni Daep na 35 malalaking tents ang kailangan nila o kahit anong uri ng malaking temporary shelter solutions.
Ibinahagi rin ni Daep kay Mygawa na lubos nang apektado ang pag-aaral ng mga bata dahil doon pansamantalang tumutuloy ang 80,000 evacuees.
Binanggit din ni Daep sa kanyang sulat na dahil umaabot sa 80 indibidwal ang nasa iisang classroom nahihirapan na rin sa pagtulog ang mga evacuee at nagkakahawaan na rin sila ng mga sakit.