AYUDA | LTFRB, inanunsyo na matatanggap na ng mga pamilya ng mga pasaherong nasawi at nasugatan sa aksidente ng bus sa Occidental mindoro

Manila, Philippines – Pinatotohanan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na matatanggap na ng mga pamilya ng mga pasaherong nasawi at nasugatan sa aksidente ng bus sa Occidental Mindoro.

Ayon kay LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada, ngayong araw magtutungo sa lalawigan ng Mindoro ang kinatawan ng insurance firm na PAMI para personal na ipagkaloob ang benepisyo.

Ito ay sa kabila ng agam -agam ng bawat pamilya na hindi sila matutulungan ng iba’t-ibang ahensiya pagkatapos ang aksidente.


Bawat pasahero na nasawi sa trahedya ay makakatanggap ng tig 200 libong piso death benefits gayundin ang mga nasugatang pasahero.

Una nang tiniyak ni Atty. Lizada na makakaasa ng ayuda ang mga casualty ng aksidente matapos mabatid na saklaw ng insurance ang bus ng Dimple Star na sangkot sa aksidente.

Facebook Comments