AYUDA | LTFRB magbibigay muli ng tawid pasada fuel card ngayong araw

Manila, Philippines – Magandang balita para sa mga tsuper o operator sa Taguig dahil matatanggap niyo na ngayong araw ang Pangtawid Pasada Program o PPP ng LTFRB.

Ang PPP ay proyekto ng nasabing departamento para maayudahan ang mga jeepney driver o operator ngayong mataas ang presyo ng gasoline.

P5,000 cash card ang pinamimigay sa mga nakapangalan sa prangkisa kung saan nagawa na ito sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa kabilang na rito sa Metro Manila.


Ayon sa LTFRB magsisimula ang pamamahagi ng cashcard sa
Lakeshore Hall Taguig City mula 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Ilan sa mga kailangan dalhin ang isang valid government ID:
– Isang photocopy ng valid ID
– 1×1 picture
– Kopya ng CPC/decision at pinakabagong kopya ng OR at CR

Facebook Comments