Manila, Philippines – Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeepney drivers at operators na kunin na ang kanilang pantawid pasada fuel cards.
Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III – nasa 40.14% pa lamang ng mga card ang naipapamahagi sa mga rehiyon.
Mula nitong October 23, aabot na sa 57,227 cards ang printed at downloaded sa mga rehiyon.
Sinabi ni Delgra – na bumabagal ang card distribution dahil abala rin ang landbank para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).
Sa ilalim ng pantawid pasada fuel program, target nitong mabenepisyuhan ang nasa 179,000 jeepney franchise holders sa buong bansa sa pamamagitan ng card na naglalaman ng ₱5,000 bilang fuel subsidy kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.