AYUDA | Mahigit 1,000 centenarians, mabebenepisyuhan sa 2019

Manila, Philippines – Mabibiyayaan ang nasa mahigit isang libong centenarians ng tig-P100,000 sa susunod na taon.

Ayon kay House Deputy Minority Leader Luis Campos, nasa 1,090 Pilipino ang centenarians sa susunod na taon at mabibigyan ang mga ito ng gobyerno ng P109 million cash gift.

Ang nasabing pondo ay nakapaloob na sa 2019 budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng General Appropriations Act for 2019.


Sa ilalim ng batas, ang bawat Pilipino na aabot sa 100 taong gulang, nakatira man sa bansa o nasa abroad ay otomatikong entitled sa P100,000 one-time cash gift ng pamahalaan.

Kalakip din ng cash gift ang plaque ng pagkilala para sa naimbag ng mga centenarians sa bansa.

Simula 2016 nang maipasa ang Centenarians Act, aabot na sa 4,688 na mga Pilipinong Centenarians o katumbas ng P468.8 million ang benepisyong naibigay na ng gobyerno.

Facebook Comments