Manila, Philippines – Nasa 10,464 na sako ng bigas na ang naipamahagi ng National Food Authority (NFA) sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Urduja.
Nakapag-release ang NFA ng Region V ng 3,436 na sako ng bigas sa apat na probinsya; NFA Camarines Sur – 1,398 bags; Sorsogon – 1,298 bags; Albay – 640 bags; at Masbate – 100 bags.
Ibinuhos naman ng NFA ang stock na bigas sa Region 8, ang pinakamatinding hinagupit ni Urduja.
Nasa 6,752 na sako ng bigas ang ipinagkaloob sa Eastern Samar, Northern Samar, Biliran, at Northern Leyte.
Facebook Comments