Manila, Philippines – Nasa 1,373 munisipalidad sa buong bansa ang tiyak nang makikinabang sa P11.71-bilyong pisong halaga ng mga proyekto sa ilalim ng assistance to municipalities program ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG Acting Secretary Eduardo Año, kabilang sa mga programang ipapatupad ngayong taon sa ilalim ng AM Program ay ang konstruksyon ng mga tulay sa kanayunan, disaster risk reduction-related equipment, rain water catchment facilities, sanitation at health facilities, at municipal drug rehabilitation facility.
Aniya, layon ng programa na pantay na tulungan ang lahat ng munisipalidad sa paghahatid ng mga basic services sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal para sa pagpapatupad ng kanilang mga priority programs at proyekto
pinalawak na ang programang ito na dati ay tinawag na assistance to disadvantaged municipalities noong 2017 na sumasaklaw lamang sa local access roads, water system projects, evacuation facilities at water impounding projects.
Ang pondo para sa mga proyekto ay manggagaling sa national government at direktang ibibigay sa municipal governments kapag nakapagsumite na ng mga kinakailangang requirements ng DILG.
Magiging responsibilidad na umano ng mga munisipyo ang pagpapatupad ng mga programa sa kanilang lugar.