Manila, Philippines – Nagpaabot na ng tulong ang Manila City government sa pamilyang Emilyano kung saan limang magkakapatid ang nasawi sa sunog kahapon ng umaga matapos makalanghap ng makapal na usok sa naganap na sunog sa Tondo, Maynila .
Kinilala ang mga nasawi na sina John Mike Emiliano, 12-anyos Michael Emiliano, 7-anyos Miko Emiliano 5-anyos, Michaela Emiliano 4-anyos at isa pang hindi muna pinangalanan.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada inatasan na niya ang Manila social workers upang magbigay ng ayuda sa pamilyang nasawi sa sunog maging ang mga residenteng naapektuhan ng sunog.
Una rito mapalad na nakaligtas naman ang isa pa nilang kapatid na si Make Emiliano 9-anyos na nagtamo lamang ng sunog sa ulo dahil tinangka umano nitong yayain ang mga kapatid na bumama sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana.
Ayon kay Senior Inspector Reden Alumno Manila BFP Arson Chief napag-alaman na umalis umano si Emily Tulig ang nanay ng mga biktima upang bumili ng almusal habang ang kanilang ama ay namamasada ng pedicab nang mangyari ang sunog .
Napag-alaman na pinaglaruang umano ang lighter ng mga bata kaya at sumiklab ang apoy sa Tioco at Herbosa Street sa Tondo Manila sakop ng Barangay 91 na umabot sa ika-apat na alarma
Bukod sa mga nasawi, mayroon pang ibang mga nasugatan.