Manila, Philippines – Nagpa-abot na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa mahigit 300 pamilya na naapektuhan ng sunog sa Barangay Vasra, Quezon City.
Nagtayo ng health center at kitchen sa lugar ang Quezon City local government kung saan naglagay din sila ng tent para may matutulugan ang ilang residente.
Gagawan din ng paraan ng lokal na pamahalaan ang ilang pamilya na nagtitiis na matulog sa semento sa Amphitheater.
Ilang residente naman ang bumalik sa kanilang nasunog na bahay para tignan kung ano ang pwede pa nilang maisalba o mabenta para may pambili ng pagkain.
Facebook Comments