AYUDA | Mga Pinoy na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia, tutulungan

Nagpunta na sa Al Khobar Sasuadi Arabia ang mga tauhan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang ahensiya para sumaklolo sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho doon.

Ayon sa DOLE, makikipagpulong sila sa mga opisyal ng Ministry of Labor ng Kingdom of Saudi Arabia para sa pagpapauwi at pagbabayad ng back wages ng mga Pinoy.

Nabatid na higit 1,400 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nawalan ng trabaho matapos mag-lockout ang kanilang employer sa Al Khobar.


Batay sa report na natanggap ng OWWA, hindi isinama ng Azmeel Contracting Corporation ang kanilang mga empleyado sa kanilang lugar na pinagtatrabahuhan matapos iutos ng pamahalaan ng Saudi na hindi nila puwedeng galawin ang kanilang ari-arian.

Nakapaloob rin sa report na bago mangyari ang lockout, hindi rin binayaran ng employer ang 4 na buwang suweldo ng mga OFW na siyang naging dahilan para mag-protesta ang mga ito.

Facebook Comments