AYUDA | Mga residenteng nasunugan sa Parañaque City, nakatanggap ng tulong mula sa Malacañang

Parañaque City – Namahagi ng relief good, pera at personal na gamit si Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa 50 pamilya na nasunugan sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Ayon kay Go, nakausap din niya nang personal ang pamilya ng anim na namatay sa sunog kung saan binigyan niya ang mga ito ng financial at burial assistance.

Bago ang pagbisita sa Paranaque, dinalaw din ni Go ang mga nasunugan sa Barangay Old Balara, Quezon City kung saan namahagi rin siya ng relief goods at iba pang tulong sa mga nawalan ng tirahan.


Facebook Comments