Ayuda na Tatanggapin sana ng Trabahador, Hindi Ibinigay ng DSWD!

Cauayan City, Isabela- Iniimbestigahan ngayon ng City Social Welfare and Development sa Santiago City kung bakit nakalusot sa validation ang pangalan ng isang nagdeklara na ito ay laborer kung kaya’t pinipilit pa rin nito na maisama ang kanyang pangalan sa mabibigyan ng ayuda.

Ayon kay Kapitan Agapito Castillo ng Barangay Mabini, napag-alaman na may malalaking negosyo ito na sa kanya mismo nakapangalan.

May mga negosyo aniya ito na hindi pangkaraniwan pero pinipilit pa rin nito na isa siyang hamak na tricycle driver lang.


Ayon naman sa tanggapan ng CSWD Santiago, isinailalim pa lang sa table validation ang katayuan ng nasabing complaint para pag aralan ang kanyang pagdedeklara bilang isang ordinaryong manggagawa.

Samantala, tumanggap ang nasa mahigit 700 benepisyaryo sa Barangay Mabini na kwalipikado sa nasabing ayuda.

Isa ang barangay Mabini sa pangalawang may pinakamaraming populasyon sa Lungsod.

Facebook Comments