AYUDA | NFA, nakapag-release na ng 4,812 bags ng bigas

Abot sa 4,812 na sako ng bigas ang naipamahagi na ng National Food Authority (NFA) sa mga relief agencies at mga Local Government Units (LGUs) na dinaanan ng bagyong Ompong sa Regions 2, 3, 4 at 5.

Ang Region 2 na pinakamatinding hinagupit ni Ompong ay binuhusan ng 2,000 bags habang dagdag na 6,000 bags ang naibigay sa mga relief agencies sa NFA-NCR.

Kabilang din sa binuhusan ng bigas ay ang LGUs ng Zambales, Nueva Ecija, Pampanga, Baler-Bataan at Tarlac Real, Infanta, Mamburao, Occidental Mindoro, Guinyangan Agdangan, Quezon, Palawan at Camarines Sur at Norte


Lahat ng NFA Operations Centers sa mga apektadong rehiyon ay bukas 24 hours para i-monitor ang sitwasyon at agad na makapagsagawa ng quick response sa sandaling mangangailangan ng suplay ng bigas.

Bolunyaryong naman na nag-overtime ang mga NFA personnel sa mga apektadong lugar para makapagserbisyo sa mga biktima ng bagyo.

Facebook Comments