Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakarating sa kanila ang report na kinukuha rin ng kultong Socorro ang ayuda na kanilang binibigay sa mga kasapi nito.
Partikular na tinukoy ng DSWD sa pagdinig ng Senado ang Emergency Shelter Assistance na umaabot sa ₱4.5 million.
Sa Senate hearing, kinumpirma rin ng dating miyembro ng Socorro na si Randolf Balbarino na kinukuha rin ng kanilang mga lider ang kanilang kita sa pangingisda.
Kapag hindi anila nila binigay ang kanilang kita, sila ay pagbabawalan nang mangisda at ikukulong sila sa loob ng kampo.
Ibinunyag din ni Balbarino na namatayan sila ng bagong silang na anak dahil pinagbawan sila ng pamunuan ni Senior Agila na dalhin sa ospital ang kanyang anak.
Si Senior Agila at ilang kasamahan nito ay may kinakaharap ngayon na mga kasong multiple trafficking, facilitation of child marriage, solemnization of child marriage, at child abuse.