Itogon, Benguet – Namahagi ang National Housing Authority (NHA) ng financial assistance para sa mga pamilyang biktima ng pananalasa ng bagyong Ompong sa Itogon, Benguet.
Ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada Jr., P10 milyong piso ang inilaang financial assistance ng ahensya para sa mga biktima ng kalamidad sa lugar.
Ipinaubaya naman sa lokal na pamahalaan ng Itogon ang desisyon para sa pagpili ng benepisyaryo at paghahati ng financial assistance.
Ang tulong pinansyal ay ibibigay pa rin sa mga apektadong pamilya kahit na sa labas ng Itogon magpapatayo ng bahay.
Kasalukuyan na ring pinaplano ng NHA ang permanenteng relocation site para sa mga biktima ng bagyo lalo na ang mga hindi na maaaring bumalik sa kanilang tahanan.
Hindi na kasi papayagan ng lokal na pamahalaan ng Itogon na bumalik at makapagtayo ng bahay sa mga lugar na idineklarang mapanganib ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Kabilang sa mga lugar na mapanganib na balikan pa ng mga residente ang Barangay Ucab at Barangay Loacan dahil pa rin sa banta ng landslide.