Iminungkahi ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na dapat makatanggap ng cash assistance at fuel subsidies ang mga magsasaka at mangingisda upang mapanatiling mababa ang presyo ng pagkain.
Suhestyon ito ni Pangilinan bilang tugon sa higit doble na presyo ng pataba at mataas na presyo ng langis.
Tinukoy ni Pangilinan ang daing ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na ang isang bag ng urea fertilizer na nagkakahalaga ng P850 noong October 2020 ay higit pa sa doble ang presyo na P1,800 kada bag ngayong October 2021.
Giit ni Pangilinan, tulad ng mga tsuper ay kailangan ding tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng ayuda at fuel subsidies.
Paliwanag ni Pangilinan, kapag mataas ang food production cost, tiyak na tataas din ang presyo ng pagkain kaya mas marami ang magugutom.