AYUDA | P10,000 packs na relief goods galing Davao ibibigay sa ‘Ompong victims’

Nakahanda na ang 10,000 packs na mga relief goods na nakatakdang ibigay ng City Government of Davao ngayong araw para sa mga apektadong pamilya matapos ang pananalasa ni bagyong Ompong.

Ayon kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte na laging handa ang lungsod sa pagtulong sa mga kababayan sa panahon ng kalamidad.

Samantala, sa interview naman kay City Disaster Risk Reduction Management Council chief Emmanuel Jaldon na ibibigay ang mga bigas at canned goods partikular na sa probinsya sa Cagayan at Isabela sa Rehiyon II Cagayan Valley.


Handa rin ang militar at kapulisan sa Davao sakaling mangangailangan ng karagdagan sa pagbibigay ng mga relief goods at pagtulong din sa search and rescue operation sa mga apektong lugar.

Facebook Comments