AYUDA | P1B, inilaan g pamahalaan para sa mga manggagawa at mga taga-Boracay na maaapektuhan ng pansamantama pagsasara ng isla

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamahalaan na may sapat na pondo at tulong na ibibigay sa mga maapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng isla.

Sa briefing kanina ng Inter Agency Task Force Boracay sa Malay, Aklan, sinabi ni DILG Asec. Epimaco Densing na maglalaan ang gobyerno ng isang bilyong piso mula sa calamity fund para “bridge assistance program.”

Layunin ng programa na matulungan ang libu-libong manggagawa at mga taga-Boracay na apektado ng pagsasara nito.


Sa ngayon, may ginagawa nang profiling at pagsisiyasat kung sinu-sino at ilan ba talaga ang mga manggagawang apektado ng temporary shutdown ng isla.

Pinawi rin ni Densing ang mga pangamba ng mga nakatira sa Boracay lalo na ang mga katutubo na kasama sila sa mabibigyan ng ayuda ng gobyerno.

Facebook Comments