AYUDA | P30-M ibinigay sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyong Samuel

Nagkaloob ng P30-M ang Department of Agriculture (DA) bilang ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ni bagyong Samuel.

Pangunahing inayudahan ng ahensya ay ang Jipapad, Eastern Samar na lumubog sa tubig baha ang mga lupang sakahan at pangisdaan.

Sa pagbisita roon ng mga opisyal ng DA, nakatanggap agad ng P5,000 ang bawat magsasaka at mangingisda sa ilalim ng survival and recovery loaning program.


Makakapag-avail din ang mga ito sa P10-M na pautang sa ilalim ng Production Loan Easy Access (PLEA) Program ng DA Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Pinadaan naman sa mga grupo ng kababaihan sa lugar ang pamimigay ng mga binhi ng palay at mga gulay.

Mapapakinabangan naman ng mga mangingisda ang 30-footer fiberglass fishing boats na kaloob ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nagtayo naman ng special NFA outlet doon para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng murang bigas hanggang makabangon ang mga apektadong residente.

Pinabeberipika naman na sa regional DA officials ang mga residente na nagtamo ng pinsala sa Catubig at Las Navas sa Samar.

Facebook Comments