AYUDA | P6M halaga ng tulong sa mga LGUs na naapektuhan ng ‘Habagat’, ipinagkaloob ng DSWD

Sumipa na sa bilang na 46,934 pamilya o 190,295 katao ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naapektuhan ng southwest monsoon rains o habagat sa Regions 3,at MIMAROPA sa Regions 4-B.

Ayon kay DSWD OIC Secretary Virginia Orogo, pinakamaraming naapektuhang pamilya ay mula sa Region 3 na abot sa 40,637 pamilya.

Kabilang dito ang 18,163 pamilya mula sa Bataan; 14,893 sa Pampanga; 7,295 sa Bulacan at ang iba ay mula sa Tarlac at Zambales.


Base pa rin sa datus ng DSWD , nasa 711 pamilya o 2,581 katao ang nanatili pa rin sa 34 evacuation centers sa Regions 3, NCR, CALABARZON, at MIMAROPA.

Habang ang 39,126 pamilya o 166,322 katao sa Regions III at 6 ay mas pinili na manuluyan pansamantala sa kanilang mga kamag-anakan at kaibigan.

Iniulat din na may 152 kabahayan ang nasira sa Regions 3 at 6 kung saan walo ang totally damaged at 144 ang bahagyang nasira.

Mula kahapon, nakapagpalabas na ang DSWD ng P5,083,760 halaga ng tulong para sa mga LGUs sa Regions 3 at 4-B.

Nanatili naman ang koordinasyon nito sa mga LGUs sa Regions 6 , National Capital Region at CALABARZON para sa probisyon ng relief assistance.

Facebook Comments