Manila, Philippines – Matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong sa Northern Luzon, nagpadala ng tulong ang pamunuan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR sa mga biktima nito.
Ayon kay PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Group Jimmy Bondoc, bukod sa pamamahagi ng relief goods, magbibigay din ng tulong pinansiyal ang ahensiya sa mga naiwang pamilya ng mga biktimang nasawi sa bagyo.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang team ng PAGCOR sa mga local na pamahalaan at iba pang national agency ng gobyerno upang matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo at upang mapabilis ang pamamahagi ng tulong.
Una nang nagpadala ng team ang PAGCOR sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, Ilocos Norte at Benguet kung saan sila namahagi ng relief goods.