AYUDA | Paghahatid ng relief assistance sa mga isolated areas, pahirapan pa rin – DSWD

Nagiging hamon ngayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung paanong mabilisang makarating sa mga lugar na naihiwalay o isolated dulot ng mga pagguho ng lupa na iniwan ni bagyong Rosita sa Region 2 at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Hinahanapan na ito ng paraan ng ahensya kasunod ng ginawang strategic planning meeting nito sa Disaster Response Cluster na kinabibilangan ng Office of Civil Defense (OCD), DILG, Philippine Army at Philippine Air Force.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, isa sa isolated areas na target na mapadalhan na ng relief assistance ay ang Natonin, Mountain Province.


Sa ngayon aniya, halos nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang marami sa mga evacuees.

Nasa 247 na pamilya na lamang o katumbas ng 840 na katao ang nanatili pa rin sa 21 na evacuation centers sa Regions II, VIII at CAR.

Facebook Comments