AYUDA | Pamahalaang lungsod ng Makati, nagkaloob ng tulong sa mga biktima ng giyera sa Marawi

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagbangon sa Marawi
city, nagkaloob ang Makati City Government ng 2,500 food packs, 5,000 pares
ng sapatos, 3,608 assorted uniforms for elementary, 6,120 assorted uniforms
for secondary, 3,075 jogging pants, at 5,679 t-shirts na ipapadala sa
Marawi sa tulong ng Philippine Coast Guard.

Nagbigay naman ng P4,660,000 na donasyon ang Barangay San Lorenzo para sa
pagtatayo ng mga eskwelahan sa Marawi na winasak ng giyera.

Kasunod nito nagpasalamat si Department of Education Secretary Leonor
Briones sa pamahalaang lungsod ng Makati dahil tiyak na makakatulong ang
mga nabanggit na donasyon para maibangong muli ang Marawi city at upang
ganahang muling mag-aral ang mga estudyanteng Maranao.


Facebook Comments