AYUDA | Pamamahagi ng fuel vouchers, sisimulan na sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Pangungunahan ng Land Bank at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang distribusyon ng mga fuel voucher sa mga operator ng mga Public Utility Jeepney (PUJ) sa Hulyo.

Ayon kay Finance Undersecretary Karl Chua, ang fuel voucher ang ayuda ng gobyerno sa mga PUJ kasunod ng oil price hike ng produktong petrolyo bunsod ng excise tax.

Aniya, hahatiin sa 178,192 PUJ units ang P977 milyong pondo para sa fuel voucher.


Mahigit P800 aniya ang matatanggap kada buwan ng bawat unit simula Hulyo hanggang Disyembre.

Sabi naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, babaguhin pa ang kasalukuyang disenyo ng voucher para magamit lang ito sa pagpapakarga ng diesel at hindi sa iba pang bagay.

Giit naman ni Pasang Masda President Obet Martin, idagdag na lang sanang pondo para sa modernization program ang budget sa fuel voucher.

Facebook Comments