AYUDA | Pamamahagi sa livelihood assistance sa mga naapektuhan ng gyera sa Marawi, sisimulan na

Marawi City – Inihayag ng Philippine Red Cross na nagpapatuloy ang kanilang pagtulong sa mga naapektuhan ng gyera sa Marawi City.

Ayon kay Red Cross Secretary General Oscar Palayab, mula sa relief operations patungo na sila sa recovery operations sa tulong narin ng International Committee on the Red Cross.

Target ng PRC na mabigyan ng livelihood assistance ang 1,500 mga pamilya na naapektuhan ng gyera sa Marawi.


Sinabi pa ni Palabyab na magsisimula ang pamamahagi ng livelihood assistance sa Hulyo matapos ang isinasagawa nilang beneficiary solution, assessment & validation.

Aabot sa P15M ang inisyal na pondong ilalaan ng Red Cross at ICRC upang maibangong muli ang mga pamilya na naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi.

Facebook Comments